Ang communication network na pinatatakbo ng pangunahing Japanese mobile carrier na KDDI ay nananatiling nagambala nang higit sa dalawang araw.
Sinasabi ng kompanya na sinusubukan nitong ganap na maibalik ang mga serbisyo sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng KDDI na nagsimula ang mga aberya noong Sabado ng umaga, na nakakaabala sa voice-call at mga serbisyo ng data na inaalok sa ilalim ng au, UQ mobile, at povo brand.
Ang problema ay dumaloy din sa malawak na hanay ng mga larangan, tulad ng weather forecast at mga operasyon ng kargamento ng train.
Sinabi ng KDDI na ang problema ay maaaring nakaapekto sa hanggang 39.15 milyong mga users.
Itinuturing ng ministeryo ng komunikasyon ang pagkagambala bilang isang seryosong insidente sa ilalim ng Telecommunications Business Act. Sinabi ng ministeryo na kikilos ito nang naaayon pagkatapos makatanggap ng opisyal na ulat mula sa KDDI.
Join the Conversation