Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas ang kanyang determinasyon upang maresolba ang isyu sa mga foreign powers sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Ngunit hindi niya pinangalanan ang China sa territorial claims nito sa South China Sea.
Nag-bigay ng talumpati si Pangulong Marcos sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address sa Congress nitong Lunes. Siya ay naupo bilang pangulo ng bansa nuong nakaraang buwan.
Ani ni Marcos, ” Hindi ako mamumuno sa isang proseso na mag-aabandona ng kahit na isang pulgada ng teritoryo” ng Pilipinas sa kahit na sinong dayuhan.
Nakaraan nang sinabi ni Marcos na puprotektahan niya ang soberanya ng kanyang bansa sa pamamagitan ng pagsasa-gawa ng 2016 arbitration tribunal ruling na nagpasa-walang bisa ng karamihan sa pag-sasakop ng Tsina sa karagatan.
Sinabi pa nito na ang Pilipinas ” ay magiging mabuting karatig bansa– na siyang palaging hahanap ng paraan upang makipag-collaborate at makipag-tulungan na kung saan ang hangad ay ang pag-unlad ng dalawang kampo.”
Idinagdag rin ng Pangulo na, kung ang Pilipinas ay hindi sumang-ayon sa kalapit bansa, silang mga namumuno ay masinsin na pag-uusapan ang naturang isyu hanggang sa makarating sa isang mabuting kasunduan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation