Okinawa, muling mag-lalagay ng COVID-19 restrictions sanhi ng muling pag-taas ng mga kaso ng impeksyon rito

Ayon sa opisyales ng Okinawa ang nasabing hakbang ay mag-sisimula ngayong Biyernes at inaasahang magpatuloy hanggang ika-14 ng Agosto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspOkinawa, muling mag-lalagay ng COVID-19 restrictions sanhi ng muling pag-taas ng mga kaso ng impeksyon rito

Napag-pasyahan ng Okinawa Prefecture sa Southwestern Japan na manawagan sa mga mamamayan na sundin ang restrictive measures sa gitna ng muling pag-dami ng coronavirus infections sa nasabing prepektura.

Napag-pasyahan ng prefectural government ang kanilang bagong kahilingan para sa mga residente nuong isina-gawa ang pag-pupulong nitong Huwebes. Nag-tala ng 5,250 na bagong kaso ng impeksyon ng coronavirus sa Okinawa nuong araw din na iyun. Ang tally snuong nagdaang araw ay umabot ng 5,000 sa kauna-unahang pagkaka-taon sa nasabing prepektura.

Ang mga tao sa Okinawa ay pinapayuhan na iwasan ang mga hindi kinakailangan pag-labas labas o pamamasyal. Ang pagkain sa labas o restaurants ay lilimitahan ng 4 katao kada grupo lamang na maaaring mag-tagal ng 2 oras lamang.

Ang mga matatanda at mga taong may posinilidad na high risk na mahawa at maging malubha ang kondisyon ay pinapayuhan na iwasan muna ang makipag-kita sa mga tao bukod sa miyembro ng kanilang pamilya na siyang kasamang naninirahan sa kanilang tahanan.

Ang mga organizers ng mga events  a siyang nag-sasangkot ng mahigit 1,000 katao o spectators ay pag-susumitihin ng anti-infection plan sa prefectural government bago isagawa ang event. Ang mga nag-paplano ng event na mag-seserve ng alcohol ay pakiki-usapan na ikansela muna ang kanilang plano.

Ayon sa opisyales ng Okinawa ang nasabing hakbang ay mag-sisimula ngayong Biyernes at inaasahang magpatuloy hanggang ika-14 ng Agosto.

Nitong Huwebes rin, ang prepektura ay nag-deklara ng healthcare emergency, sanhi ng kakulangan ng mga ospital sa lugar. Upang mapagaan ang pasanin ng mga medical caregivers, ang mga tao ay pinapayuhan na iwasang gumamit ng emergency outpatient services at mga ospital para sa mga minor symptoms lamang o para lamang sa coronavirus tests.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund