Naantalang serbisyo ng mga mobile phone, inaayos na

Sinabi ng ministro na ito ay sersyoso ngayon panahon dahil sa risks ng coronavirus at heat stroke ay patuloy na tumataas at ngayon pang papalapit ang tropical storm dito sa archipelago ng Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNaantalang serbisyo ng mga mobile phone, inaayos na

Ang pangulo ng major Japanese mobile carrier KDDI ay nag-sabi na inaasikaso na ng kumpanya upang ma-fully restore ang kanilang serbisyo, ngunit hindi binanggit kung kailan ang eksaktong panahon na ito ay matatapos. Ang “AU” mobile service ng KDDI ay nasira nitong umaga ng Sabado, na siyang nag-sanhi ng hindi maaaring maka-access sa voice calls at internet.

Nag-bigay pahayag ang KDDI President na si Takahashi Makoto sa mga reporters nuong umaga ng Linggo na ang recovery work ay natapos na bandang alas-11: 00 ng umaga sa kanilang western Japan service area at ay inaasahang matapos bandang ala-5:30 ng hapon sa kanilang eastern Japan services area.

Ani ni Takahashi, ang kanilang kumpanya ay pag-dedesiyunan kalaunan kapag ang kanilang serbisyo ay fully available na.

Ang preisdente ay nag-sabi na ito ay isang seryosong insidente sa ilalim ng kinauukulang batas at siya ay gagawa ng tamang hakbang upang maayos na maibalik ang serbisyo.

Iniestima ng KDDI na ang pagka-antala ay nag-sanhi ng inconvenience sa mahigit 39.15 million users. Ang outage ay naapektuhan rin ang mga users ng UQ mobile at Povo, na siyang gumagamit ng network ng KDDI. Ang logistics at maraming aspeto ng pamumuhay ng tao ang naapektuhan sa nasabing pagka-antala.

Sinabi ni Communications Minister na si Kaneko Yasushi sa mga reportersvnitong Linggo na hinaharap niya seryosong pangyayari.

Idinagdag pa nito na ang nangyaring communication glitch ay nag-bigay hirap sa pag-responde sa ilang emergency calls, na siyang usang kritikal na tungkulin na siyang pumuprotekta sa mga kabuhayan ng tao at mga arian.

Sinabi ng ministro na ito ay sersyoso ngayon panahon dahil sa risks ng coronavirus at heat stroke ay patuloy na tumataas at ngayon pang papalapit ang tropical storm dito sa archipelago ng Japan.

Sinabi na maaari itong mag-constitute ng mas malalang insidente sa ilalim ng Telecommunications Business Act. Sinabi niya na ang kanyang mga ministro ay magsasa-gawa ng kinakailangang aksyon matapos matanggap ang official report mula sa KDDI.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund