Ipinahayag ng Japan Weather officials na ang unstable condition ay mag-dudulot pa rin ng malakas na pag0-ulan sa western Japan mula Lunes hanggang Miyerkules.
Ayon sa Meteorological Agency ang atmospheric condition ay magiging unstable dahil sa pag-init ng panahon, moist na hangin na siyang dumadaloy sa low-pressure system at isang pag-ulan na umabot na sa East China Sea.
Ilang pag-ulan na may mahigit 50 millimeters per hour na may kasamang pag-kulog ay inaasahan sa western Japan mula Lunes hanggang Miyerkules.
Sa loob ng 24 oras hanggang umaga ng Martes, mahigit 250 millimeters ng ulan ay inaasahan sa southern parts ng rehiyon ng Kyushu, mahigit 200 millimeters naman sa northern Kyushu, at mahigit 80 millimeters naman sa Chugoku at Shikoku regions.
Ayon sa forecast ng mga weather officials, ang rain front a0t low-pressure system ay patungong umuusong eastward, na siyang nag-dadala ng unstable atmospheric conditions at posibleng malalakas na pag-ulan sa eastern Japan ngayong Martes at Miyerkules at patungong northern Japan nitong Miyerkules.
Nananawagan rin ang mga ito sa mga tao na maging alerto sa landslides, pag-babaha sa mga mababang lugar at pag-lakas ng alon ng mga ilog, pati na rin ang pag-kulog at kidlat, biglang lakas ng hangin at hailstorm.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation