Maraming hapon ang nag-hatid ng kanilang huling paalam kay dating Punong Ministro Shinzo Abe

Ang mga nakiki-dalamhating tao ay naka-pila sa labas upang mag-bigay galang sa pinaka-mahabang punong ministro na nag silbi sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMaraming hapon ang nag-hatid ng kanilang huling paalam kay dating Punong Ministro Shinzo Abe

Maraming tao sa Japan ay nag-hatid ng kanilang huling paalam kay dating Punong Ministro Shinzo Abe. Si Abe ay binaril habang nasa isang campaign event nuong nakaraang Biyernes, bago pa man isagawa ang Upper House election. Isang funeral ceremony ang isinagawa sa Tokyo nitong Martes.

Halos miyembro ng pamilya, malalapit na kaibigan at ka-alyado lamang ang dumalo at nag-bigay pugay sa buhay ni Abe sa Zojoji Temple. Ang mga nakiki-dalamhating tao ay naka-pila sa labas upang mag-bigay galang sa pinaka-mahabang punong ministro na nag silbi sa Japan.

Matapos ang funeral, isang motorcade na nag-lulan ng labi ni Abe ay gumawa ng isang farewell trip. Nag-antay ang mga tao sa tabi ng daanan habang ito ay umikot sa lungsod.

Ang motorcade ay dumaan sa mga lugar tulad ng sentral ng Japanese politics, kabilang ang tanggapan ng kasalukuyang Punong Ministro.

Ang Punong Ministro na si Kishida Fumio at ang kanyang gabinete ay nag-paalam na rin mula sa harapan ng kanilang tanggapan, ang dating trabahuhan ni Abe sa loob ng mahigit walong taon.

Samantalang, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pag-atakeng nangyari na siyang kumitil sa buhay ni Abe na nangyari apat na araw na ang naka-lipas. Inaresto ng mga awtoridad si Yamagami Tetsuya sa lugar ng insidente. Sinabi sa NHK nang ilang sources ng imbestigasyon, plinano na niyang patayin si Abe nuong nakaraang taon pa.

Sinabi rin ni Yamagami sa mga imbestigador una niyang naisip na gumamit ng bomba. Ngunit ito ay pinalitan niya at napag-pasyahan na gumamit ng baril upang masiguradong matatamaan si Abe at wala ng iba.

Ang mga pulis na humalughog sa tahanan ni Yamagami ay nakatagpo ng nga homemade weapons. Sinabi ng mga ito na ang suspek ay sinubukan ito paputukin sa mgabulubunduking lugar.

Patuloy pa rin ang pag-luluksa sa Japan. Marami pang seremonya ang naka-schedule sa Tokyo, kabilang ang Yamaguchi Prefecture, ang constituency na inirepresenta ni Abe sa Diet.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund