Malawak na area sa Japan naka high alert pa din sa patuloy na pag-ulan

Ang mga tao sa malawak na lugar ng Japan ay humaharap pa din sa malakas na ulan dahil sa isang low pressure system na nagpapatuloy malapit sa Izu Islands sa timog ng Tokyo. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga tao sa malawak na lugar ng Japan ay humaharap pa din sa malakas na ulan dahil sa isang low pressure system na nagpapatuloy malapit sa Izu Islands sa timog ng Tokyo.

Sa mga bahagi ng Hokkaido at Aomori Prefecture, humigit-kumulang 100 millimeters ng ulan kada oras ang naiulat noong Martes.

Mahigit 200 millimeters ng ulan ang naitala sa loob ng 12 oras hanggang sais ng umaga noong Miyerkules sa Hachijojima Island.

Sinabi ng mga eksperto na ang humid na hangin na dumadaloy mula sa timog at isang high pressure system sa silangan ng Japan ay gumawa ng hindi matatag na kondisyon ng atmospera sa malalawak na lugar ng bansa.

Inaasahan ang pagbuhos ng ulan sa mga bahagi ng kanluran at silangang Japan sa Miyerkules.

Pagsapit ng Miyerkules ng gabi, aabot sa 180 millimeters ng ulan ang inaasahang babagsak sa rehiyon ng Kanto-koshin, habang ang rehiyon ng Tokai ay maaaring umabot sa 150 millimeters.

Hinihimok ng mga opisyal ng panahon ang mga residente na maging handa sa posibleng pagbaha sa mababang lugar, gayundin sa mga pagguho ng lupa, pagtama ng kidlat at buhawi.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund