Sinabi ng Meteorological Agency ng Japan na patuloy na magiging masama ang timpla ng panahon sa kanluran at silangang mga rehiyon ng bansa.
Hinihimok ng mga opisyal ng panahon ang mga tao na maging alerto para sa posibleng pagguho ng lupa at biglaang pag apaw ng mga ilog, dahil inaasahan nila ang malakas na buhos ng ulan mula kanluran hanggang hilagang Japan hanggang Sabado.
Hanggang Biyernes ng gabi, ang Southern Kyushu ay inaasahang magkakaroon ng hanggang 120 millimeters ng ulan. Ang Northern Kyushu, Chugoku, Tokai, Kanto-Koshin at Tohoku region ay inaasahang magkakaroon ng 100 millimeters, habang ang Kansai at Hokuriku regions ay inaasahang magkakaroon ng 80 millimeters.
Mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi, 200 hanggang 300 millimeters ng ulan ang tinatayang para sa timog at hilagang Kyushu, at 100 hanggang 150 millimeters para sa Tokai, Tohoku at Hokkaido.
Ang mga rehiyon ng Chugoku, Kansai, Hokuriku at Kanto-Koshin ay inaasahang magkakaroon ng 50 hanggang 100 millimeters.
Join the Conversation