Mag-asawa sa Hokkaido arestado, matapos iwanan ang 7 buwang gulang na anak sa kanilang tahanan nang mag-isa

"Akala ko magagamit ko ang security camera sa akin smartphone upang ma-monitor ang aking anak." pahayag umano ni Sonoda

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMag-asawa sa Hokkaido arestado, matapos iwanan ang 7 buwang gulang na anak sa kanilang tahanan nang mag-isa

SAPPORO– isang 25 anyos sa residente ng Shiroishi Ward ng lungsod at ang kanyang kinakasama na isang empleyado ng Hokkaido Television Broadcasting Co. (HTB) ay inaresto sa kasong neglecting their responsibilities as guardians matapos iwanan ang kanilang 7 buwang gulang na anak ng walong oras, inanunsiyo ng mga awtoridad nuong July 4.

Si Yumeka Sonoda at ang kanyang kinakasama na si Takashi Uemae, 47 anyos ay iniwan umano ang kanilang anak na lalaki sa kanilang tahanan nang mag-isa lamang bandang alas-8:30 ng gabi nuong July 2 hanggang alas-4:25 ng madaling araw kinabukasan. Nai-ulat na umamin ang dalawa sa mga paratang laban sa kanila. Sinabi nila sa pulis na kumain lamang sila sa labas at nag-inom. Hindi naman raw nagka-pinsala ang bata.

Ayon sa Hokkaido Prefectural Police sa Sapporo Shiroishi Police Station, si Sonoda, na umuwi nang maaga ay tumawag sa pulis bandang alas-3:00 ng madaling araw nuong July 3 at nag-sabi na nawawala ang kanyang susi ng bahay.

Ang mga pulis na rumisponde sa tawag ay natagpuan ang kanyang panganay na anak na naka-higa sa futon at umiiyak.

Ang mga pulis ay hindi naman naka-tanggap ng anuman tawag sa pang-aabuso ng nasabing bata bago ang insidente.

“Akala ko magagamit ko ang security camera sa akin smartphone upang ma-monitor ang aking anak.” pahayag umano ni Sonoda sa mga pulis.

Si Uemae ay kalaunang umuwi na rin at lasing na lasing. Tinanong na ng mga awtoridad ang dalawa nuong July 4, at napag-desisyonan na sila ay arestuhin.

Nag-bigay ng komento ang HTB, “Ikinalulungkot namin na na-aresto ang isa naming empleyado. Mag-sasagawa kami ng nararapat na hakbang kapag nakumpirma na ang mga paratang.”

Source and Image: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund