Ipinahayag ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio na plano niyang bigyan ng impormasyon ang publiko ukol sa characteristics ng monkeypox at paano ito maiwasang lumaganap.
Inilahad ni Kishida ang kanyang intensyon sa isang pag-pupulong ng mga executives ng kanyang Liberal Democratic Party nitong araw ng Martes, isang araw makalipas na makumpirma ng bansa ang kanilang unang kaso ng nasabing viral disease.
Sinabi niya na sasabihan niya ang publiko na ang monkeypox ay kumakalat sa pamamagitan ng physical contact at ang smallpox vaccine ay epektibong mabisa laban dito.
Samantalang, sinabi ni Health Minister Goto Shigeyuki na ang pamahalaan ay tumutugon na sa nasabing sitwasyon.
Sa pakikipag-panayam sa mga reporters nitong araw ng Martes, sinabi niya na ang sistema sa pag-monitor ng outbreak ay ipinatutupad na at may bakuna na at paraan ng pag-gamot nito ay naka-talaga na rin.
Ani niya si Deputy Chief Cabinet Secretary para sa Crisis Management na si Murata Takashi ay siyang naatasan sa task force sa mga senior officials na may kaugnayan sa gobyernong tanggapan nitong Martes sa loob ng magka-sunod na araw.
Sinabi rin nito na ang pamahalaan ay magsasa-gawa ng kinakailangang hakbang upang masigurado na ang mga tanggapan ay pananatilihing bukas sa pakikipag-komunikasyon upang mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon. Idinagdag niya rin na ang pamahalaan ay makikipag-tulungan sa World Health Organization upang ma-monitor ang mga kaso sa Japan at iba pang bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation