Ayon sa World Health Organization, ang bansang Japan ang nag-tala ng pinaka-mataas na global number ng kaso ng new coronavirus sa pitong araw hanggang Linggo.
Nag-labas ng update ang WHO nuong Miyerkules ukol sa kaso ng COVID-19 na nai-ulat sa loob ng isang linggo mula July 18, hanggang July 24.
Ayon sa ulat, ang bilang ng lingguhang kaso ng impeksyon sa Japan ay umabot ng 969,068– ito ay tumaas ng 73 porsyento kumpara nuong nakaraang linggo.
Sa buong mundo, mahigit 6.6 milyon kada linggo ang mga nai-uulat na kaso ng impeksyon, bumaba ng 3 porsyento mula nuong nakaraang linggo. Ayon sa WHO ang BA.4 at BA.5 subvariants ng Omicron variant ay patuloy na nangingibabaw
Ang Estados Unidos ay bumaba ng 3 porsyento sa kanilang lingguhang talaan at kasalukuyang umabot na nang 860,097. Ang Germany naman ay nasa 565,518, bumaba ng 16 porsyento.
Subalit, ang mga kaso ay tumataas sa bandang East Asia. Ang bansang Mongolia ay nag-ulat na halos pitong-beses ang pag-taas ng kaso ng impeksyon mula nuong nakaraang linggo, habang ang South Korea ay nag-marka ng 80 porsyento.
Pinapa-alala ng WHO na ang aktwal na bilang ng impeksyon ay maaaring mas mataas pa sanhi ng pagkaka-iba sa sampling strategies ng bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation