Share
Naglabas ang Japan noong Lunes ng level-one alert laban sa monkeypox sa gitna ng global outbreak ng virus.
Hinihiling ng mga opisyal ng gobyerno ang mga Japanese national sa buong mundo na magsagawa ng karagdagang pag-iingat laban sa pagkahawa ng sakit.
Sinabi nila na ang mga taong nagpaplanong maglakbay sa ibang bansa o manatili sa labas ng Japan ay dapat na maging maingat lalo na.
Ang level-one na alerto ay ang pinakamababa sa four-tier scale ng Japan.
Noong Sabado, idineklara ng World Health Organization ang global monkeypox outbreak bilang isang “public health emergency of international concern.”
Join the Conversation