Nitong Martes lamang, ang pamahalaan ng Japan ay ipinatupad na ang pag-bitay sa isang lalaki na nasintensyahan sanhi ng deadly stabbing rampage 14 taon na ang nakalilipas sa Akihabara shopping district sa Tokyo.
Si Kato Tomohiro ay kinasuhan matapos sagasaan gamit ang isang truck ang isang grupo ng mga mamimili nuong buwan ng Hunyo taong 2008, matapos nuon ay pinag-sasaksak naman niya ang mga dumadaang mga tao. Pitong katao ang namatay at 10 katao naman ang nag-tamo ng pinsala.
Si Kato ay binitay nuong umaga ng Martes sa Tokyo Detention House, kung saan siya naka-piit.
Nuong taong 2015, binasura ng Supreme Court ang apila ni Kato at duon ay pinag-pasyahan na rin ang kanyang sintensya na kamatayan na siyang pinag-desisyonan ng mga mababang hukom. Ipinahayag ng hukom na ang ginawang karumaldumal na krimen ay walang katumbas na kapatawaran.
Ito ang ikalawang pag-bitay na isinagawa sa ilalim ng pamamahala ni Punong Ministro Kishida Fumio. Ang una ay nangyari nuong buwan ng Disyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation