Isang nakaka-aliw na baby lion, ipinakita na sa madla sa isang west Japan zoo

"Masakit ito depende pa sa angulo ng pagkagat." dahil ang lion ay may pangil na t iba pang ngipin kahit ito ay napaka-cute.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang nakaka-aliw na baby lion, ipinakita na sa madla sa isang west Japan zoo

TOBE, Ehime– isang 2 buwang gulang na lion cub ang nag public debut sa isang zoo sa lungsod sa western Japan nuong July 5, ang pasilidad ay nanawagan sa mga miyembro ng publiko sa pag-vote kung ano ang mainam na ibigay na pangalan sa nasabing hayop.

Ang magulang ng cub ay Neo, 8 (Father) at Sakura, 7 (Mother) sa Tobe Zoological Park ng Ehime Prefecture nuong May 5, at ipinakita na sa media isang araw bago ipakita sa publiko.

Nagka-sakit si Sakura matapos manganak at siya ay nadiagnose bilang isang anorexic, kung-kaya’t ang lion cub ay pina-iinom ng artificial milk nang ito ay 3 linggo pa lamang, ang mag ina ay bumalik naman ang kasiglahan. Ang baby lion ay ini-estimang may bigat na 1 kilogram at may haba na 30 sentimetro mula ulo hanggang baywang nuong siya ay ipinanganak.  Ito ay lumaki na at may timbang nang 5.5 kilograms at may haba ng aabot ng 50 sentimetro.

Kalmado naman ang baby lion matapos itong alisin mula sa kanyang ina at pinalitan ng artificial milk ang kanyang gatas. Umiiyak ito kapag hindi nakikita ang mga zookeeper. Sa kasalukuyan, pinapakain ito ng pinag-halong artificial milk at giniling na karne.

Paminsan minsan, nakikipaglaro at pabirong kinakagat ng baby cub ang mga daliri ng zookeper na si Kazuma Shimizu, 43 anyos, na nag-sabi, “Masakit ito depende pa sa angulo ng pagkagat.” dahil ang lion ay may pangil na t iba pang ngipin kahit ito ay napaka-cute.

Ang lion cub ay naka-display sa pagitan ng mga oras na 12:45 pm at 1:45 pm, maliban sa mga araw na sarado ang zoo. Tumatanggap ng boto mula sa mga bumibisitang tao ang pasilidad para sa pangalan ng baby lion hanggang July 24 base sa tatlong kandidato, “Clay” alin-sunod sa pangalan ng lion mula sa pelikulang “Sing2”, “Tango” dahil ang petsa ng kanyang kapanganakan ay May 5 ay tinatawag na “Tango no sekku” o “Children’s Day” at “Rao” hango sa mga kinuhang syllables o character mula sa pangalan ng kanyang mga magulang.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund