Minakami, Gunma– isang grupo ng kabataan ay naka-huli at kasalukuyang inaalagaan ang isang rare blue Japanese tree frog sa isang lugar sa east Japan, umaasa na ito ay “mag-dadala ng swerte tulad ng bughaw na ibon.”
Ang mga batang nasa ikalawang baitang sa elementarya na sina Mayu Yamaguchi, 8 taong gulang, Momoka Nakayama, 7 taong gulang, Honoka Abe, 7 taong gulang at iba pang mga kabataan ang naka-kita sa isang kulay sky-blue na palaka na may sukat na 2.5 sentimetro bandang alas-4:30 ng hapon nuong ika-27 ng Hunyo habang sila ay nag-hahanap ng mga palaka sa malapit na kakahuyan sa kanilang tahanan, palagi nila itong ginagawa kapag sumasapit ang panahong ito ng taon.
Ang Gunma Museum of Natural History lead curator na si Katsuyuki Takahashi ay ipinaliwanag na ang mga Japanese tree frog ay karaniwang kulay dilaw at berde, at ang kamakailang natagpuang sky-blue frog ay kulang o walang yellow pigment sa kanyang balat.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation