Isang babaeng Vietnamese, kinasuhan dahil sa pag-dadala ng ipinag-babawal na gamot sa Japan

Sinabi nila na ang mga illegal substance ay isinilid sa mga bote ng shampoo at food packages na nadiskubre habang sinusuri ang kanyang bagahe.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Isang Vietnamese na babae ang nakasuhan dahil sa pag-smuggle ng stimulant drugs papasok sa Japan na nagkaka-halaga ng mahigit 1.24 million dollars.

Ayon sa custom officials at mga prosekyutor si Nguyen Thi Chuyen ay nag-pasok ng mahigit 3 kilograms ng stimulants sa Narita Airport, malapit sa Tokyo, mula sa India nuong July 6. Sinabi nila na ang mga illegal substance ay isinilid sa mga bote ng shampoo at food packages na nadiskubre habang sinusuri ang kanyang bagahe.

Si Nguyen, 53 anyos ay isang factory worker na naninirahan sa Hyogo Prefecture, western Japan. Ayon sa mga imbestigador sinasabi ng babae na binili niya ang mga shampoo at ibang items sa isang supermarket sa India, at hindi niya alam na may naka-silid na stimulants sa loob ng mga ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund