Inaasahan ang magandang panahon at maaraw na kalangitan sa northern Japan hanggang sa Kansai region ngayong araw ng Linggo.
Habang inaasahang tumaas ang mga temperatura, ang mga weather officials ay mag-iissue ng babala tungkol sa panganib na dulot ng heatstroke.
Ang temperatura sa umaga hanggang hapon ay maaaring umabot ng 39 degrees Celsius sa lungsod ng Kumagaya sa Saitama Prefecture, at 38 degrees Celsius naman sa mga lungsod ng Fukushima at Maebashi sa Prepektura ng Gunma.
Habang ang mga lugar ng Yamagata, Utsunomiya, Kofu, Fukui at Kyoto ay inaasahang tumaas ang temperatura hanggang 37 degrees Celsius.
Halos lahat ng residente sa main island ng Honshu, pati na rin sa Shikoku ay binigyan na rin ng babala ukol sa panganib na dulot ng heatstroke.
Sila ay pinayuhang manatili sa loob ng bahay o gusali sa tanghali kung posible, uminom ng maraming tubig, gumamit ng air-conditioning at alisin ang mask kung kinakailangan.
Ang moist air flow mula sa south ay maaaring mag-dala ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng southern Kyushu at Shikoku hanggang hapon sa araw ng Linggo.
Habang tumataas ang temperatura, ang atmospheric conditions ay maaaring maging unstable sa Kanto-Koshin at Tohoku, na mag-sanhi ng torrential rain na may kasamang pag-kulog at kidlat.
Ang Meteorological Agency ay nananawagan sa mga tao na maging alerto sa landslides, pag-babaha sa mga mababang lugar at pag-taas ng tubig sa mga ilog, pati na rin sa mga pag-kidlat at malakas na hangin, kabilang ang ipo-ipo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation