Kinumpirma ng mga opisyal ng pamahalaan ng India ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa kanilang bansa.
Ayon sa Health Ministry nuong Huwebes, isang 35 anyos na lalaki na bumyahe mula sa United Arab Emirates ay infected ng nasabing virus.
Ayon sa ministeryo, ang lalaki ay naka-isolate na sa ospital mula ng siya ay bumalik sa southern state ng Kerala nitong unang yugto ng linggo. Labing-isang pasahero na naka-sakay sa eroplano na naka-sama ng lalaki ang sinabihan na na tignan kung sila ay makararanas ng sintomas.
Ayon sa pamahalaan, sila ay nag-padala ng high-level team sa estado upang makipag-tulungan sa mga lokal na awtoridad upang imbestigahan ang nasabing outbreak.
Ang monkeypox ay endemic sa ilang parte ng Africa. Ang mga sintomas na mararamdaman ay kinabibilangan ng lagnat, grabeng pananakit ng ulo, namamagang kulani at bukol o lesions sa balat.
Ang WHO ay nag-sabi na mahigit 9,000 kaso na ang nakumpirma nitong mga nagdaang buwan sa 60 bansa sa mundo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation