OSAKA
Inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang 47-anyos na dating empleyado ng Yamato Transport Co, isang malaking parcel delivery company sa Japan, dahil sa umano’y pagnanakaw ng 20 na diamonds mula sa isang package noong nakaraang taon.
Ang mga ninakaw na diamante ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 12,520,000 yen.
Ayon sa pulisya, ninakaw ni Joji Yakata ang package na naglalaman ng 20 rough diamonds mula sa delivery center sa Osaka Main Branch Office ng Yamato noong huling bahagi ng Hulyo noong nakaraang taon, iniulat ng Kyodo News. Noong panahong iyon, nagtatrabaho siya bilang leader ng grupo ng branch.
Sinabi ng pulisya na ang mga diamante ay ipinadala mula sa isang kumpanya sa pagpoproseso ng alahas sa Tokyo patungo sa isang kumpanya sa Osaka.
Sinabi ng pulisya na ibinenta ni Yakata ang mga brilyante ngunit ang ilan ay narecover.
Walang ibang impormasyon sa iba pang mga diamante ang inilabas.
Iniimbestigahan din ng pulisya ang isang hiwalay na claim mula sa Yamato Transport tungkol sa posibilidad ng isang empleyado na nagnakaw ng mga pakete ngayong Abril. Si Yakata ay sinibak noong Mayo at kinukuwestiyon din siya ng mga pulis tungkol sa mga pagnanakaw na iyon.
© Japan Today
Join the Conversation