Dumarami na ang mga restaurant na nag-aalok ng plant-based dishes

Dahil maraming kostumer ang nag-papakita ng kanilang pag-aalala ukol sa kanilang kalusugan at kapaligiran.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDumarami na ang mga restaurant na nag-aalok ng plant-based dishes

Dumarami na ang mga restaurant sa Japan na nag-aalok ng mga pagkain na gawa lamang sa plant-based ingredients. Dahil maraming kostumer ang nag-papakita ng kanilang pag-aalala ukol sa kanilang kalusugan at kapaligiran.

Ang noodle-soup chain na Ippudo ay nag-simula nang mag-benta ng ramen na walang halong karne ng kahit na anong hayop mula ng unang yugto ng Hulyo sa isa nitong branch sa Tokyo.

Ang Ippudo ay kilala sa kanilang mga pagkain na ang main na sangkap ay mula sa mga buto ng baboy. Ang kumpanya ay gumagamit ng soy milk, plant oil at gulay upang gayahin ang kanilang signature taste.

Samantalang, ang family-restaurant chain na Royal Host ay nag-simula nang mag-alok ng Thai-style rice dish na nilagyan ng soy meat ngayong buwan. Ito ay nakasama na sa kanilang menu sa halos lahat ng kanilang outlets sa buong Japan.

Ang pribadong sektor ng mananaliksik na TPC Marketing Research ay nag-sabi na ang domestic market para sa plant-based alternative foods ay maaaring tumaas ng kalahating bilyong dolyares sa fiscal year 2025. Ito ay halos 3 beses na mataas sa usapang pera ng bansa sa loob ng mahigit 5 taon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund