Napag-pasyahan ng pamahalaan ng Japan na bigyan ng pinaka-mataas na parangal sa bansa si dating Punong Ministro Shinzo Abe, na nabaril at namatay nuong Biyernes.
Isang extraordinary Cabinet meeting nuong Lunes ang nag-pasya na parangalan si Abe ng Collar of Supreme Order of the Chrysanthemum, ang dekorasyon ng bansa na hinulmang kwintas. Ito ay isinuot ni Emperor Naruhito sa seremonya ng kanyang enthronement.
Si Abe ang ika-apat na Japanese Prime Minister na makaka-tanggap ng dekorasyon matapos sa Ikalawang Pangbansang Digmaan. Ang tatlong nakatanggap nito ay sina Yoshida Shigeru, Sato Eisaku at Nakasone Yasuhiro.
Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Matsuno Hirokazu sa mga reporters na karapatdapat maka-tanggap ng parangal na ito si Abe dahil sa tagal ng pag-sisilbi niya sa pamahalaan at sa mga achievements sa diplomasya na naka-tuon sa pag-bubuklod sa relasyon sa Estados Unidos, pati na rin ang economic at national security policies.
Source: NHK World Japan
Image: Gallery
Join the Conversation