Covid Vaccine Certificates, maaari nang makapagpa-issue sa mga Convinience stores sa Japan

Ayon sa mga health authorities, ang sino mang mangangailangan ng sertipiko upang gamitin sa kanilang pag-lalakbay pa-ibang bansa ay maaaring maka-kuha ng sertipiko sa convenience store.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspCovid Vaccine Certificates, maaari nang makapagpa-issue sa mga Convinience stores sa Japan

Ang mga mamamayan sa Japan ay maaari nang maka-kuha ng kanilang coronavirus vaccination certificates sa mga convenience stores. Ang nasabing hakbang ay alin-sunod sa mga nangyayaring pag-balik muli ng impeksyon.

Ito ay isasagawa na ng health ministry service sa ilang lugar sa susunod na Martes. Ang serbisyong ito ay magiging available sa mga 7-11 outlets sa buong bansa simula kalagitnaan ng Agosto.

Kinakailangan lamang ipakita ng mga tao ang kanilang “My Number” ID cards upang makatanggap ng kanilang sertipiko. Ito ay magkakahalaga lamang ng mga 90 sentimo.

Ang Proof of Vaccination ay isina-gawa nuong nakaraang taon. Ang sertipiko at ang mga nasa smartphone app ay nagamit nuong panahon ng state og emergency, kung saan ang bawat mamamayan ay kinakailangang magpa-kita ng pruweba na sila ay bakunado bago maka-pasok sa isang kainan o establisyamento, dumalo sa isang event o maka-kuha ng subsidy para sa akomodasyon. Sa kasalukuyan, ang mga mamamayan ay kinakailangan pang pumunta sa mga lokal na pamahalaan o mag-apply by mail upang maka-kuha ng Sertipiko.

Ayon sa mga health authorities, ang sino mang mangangailangan ng sertipiko upang gamitin sa kanilang pag-lalakbay pa-ibang bansa ay maaaring maka-kuha ng sertipiko sa convenience store matapos silang mairehistro sa lokal na pamahalaan.

Plano rin ng health ministry na gawing available ang serbisyong ito sa iba pang mga convenience store sa bansa.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund