Share
Binaril ang dating Punong Ministro ng Hapon na si Abe Shinzo habang naghahatid siya ng talumpati sa kalye noong Biyernes ng umaga sa Nara Prefecture. Agad siyang isinugod siya sa hospital.
Ang dating Punong Ministro ng Japan na si Abe Shinzo ay bumagsak sa kalye sa kanlurang lungsod ng Nara habang gumagawa ng talumpati para sa kampanya sa halalan ng kandidato sa Liberal Democratic Party bandang 11:30 a.m.
Sinabi ng kagawaran ng bumbero na hindi siya nagpakita ng anumang vital signs.
Sinabi ng pulisya na isang lalaki ang dinala sa kustodiya.
Ang site ay malapit sa Yamatosaidaiji Station sa Nara City.
Sinabi ng reporter ng NHK na duguan si Abe. Narinig ng reporter na may biglang pumutok na baril.
Join the Conversation