Ayon sa law enforcement authorities ng Japan, ang mga police officers na nag-babantay kay dating Prime Minister Shinzo Abe ay nabigo sa pag-sunod sa protocol para maprotektahan ang isang VIP mula sa gun attack.
Si Abe ay malubhang natamaan ng bala mula sa pamamaril mula sa kanyang likuran nuong Biyernes habang ito ay nag-tatalumpati sa Lungsod ng Nara, western Japan.
Inaresto ng mga pulis ang 41 anyos na si Yamagami Tetsuya, walang trabaho at isang residente sa Nara.
Nilapitan ni Yamagami ang dating Punong Ministro mula sa likuran at saka nagpa-putok ng dalawang beses na ilang metro lamang ang kalayuan.
Ayon pa sa mga pulis, ang ikalawang putik ay umabot lamang ng 3 segundo matapos ang unang putok.
Sinabi ng mga awtoridad sa NHK na ang security personnel na nag-babantay kay Abe ay hindi sumunod sa tamang procedure na naka-disenyo upang protektahan ang mga taong dapat protektahan sa nasabing sitwasyon.
Ayon sa mga awtoridad, dapat ay tinulak ng mga personnel si Abe sa lapag matapos ang unang pag-papaputok, at dapat na pinalibutan nila si Abe o di naman kaya ay prinutektahan at dinala sa isang sasakyan o ligtas na lugar.
Pinag-aaralan na ng National Police Agency ang potensiyal na problema na isa sa naging sanhi ng pag-panaw ng dating Punong Ministro.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation