Ayon sa mga awtoridad: si Abe ay namatay dahil sa kawalan ng dugo mula sa isang sugat ng bala

Ayon sa mga awtoridad, ang isina-gawang pag-atake ay pulidong i-plinano.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAyon sa mga awtoridad: si Abe ay namatay dahil sa kawalan ng dugo mula sa isang sugat ng bala

Ayon sa mga Japanese police, ang dating Punong Ministro na si Shinzo Abe ay namatay sanhi ng kawalan ng dugo matapos matamaan ng bala ang isang artery sa ilalim ng kanyang collarbone.

Nagsa-gawa ng awtopsiya ang mga pulis sa katawan ni Abe nuong Sabado.

Ani nila, ang bala ay tumagos sa upper left arm ni Abe at na-damage ang isang blood vessel sa ilalim ng kanyang collarbone.

Sinabi rin ng mga pulis na ang suspek ay nagpa-paputok ng baril malapitan, na may intensyon na maka-patay.

Si Abe ay malubhang nabaril nuong umaga ng Biyernes habang siya ay nag-bibigay ng talumpati malapit sa isang railway station sa Nara.

Agad namang na-aresto ng mga pulis ang 41 anyos na suspek na si Yamagami Tetsuya.

Ang walang trabahong suspek na naninirahan sa Nara ay nag-sabi sa mga pulis na siya ay may galit sa isang organisasyon at pinaniniwalaan niya na si Abe ay may koneksyon rito.

Ani pa ng suspek na ang kanyangvgalit laban kay Abe ay hindi konektado sa paniniwala nito pang politikal.

Ayon sa mga pulis, ang baril na ginamit sa pag-atake ay self-made, na may sukat na 40 sentimetro kahaba. Sinabi ng mga awtoridad na naka-kumpiska pa sila ng iba pang mga baril na tulad nito sa tahanan ng suspek.

Ayon sa mga awtoridad, ang isina-gawang pag-atake ay pulidong i-plinano.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund