Isang magnitude 7 na lindol ang naramdaman sa Luzon, northern island ng Pilipinas nuong Miyerkules. Ayon sa pamahalaan apat na katao ang namatay at 60 naman ang nag-tamo ng pinsala.
Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay mababaw. Ipinahayag ng mga opisyales na walang pagbabanta ng Tsunami. Maraming residente ang inilisan mula sa matataas na gusali.
Ayon sa mga local media, ang railway system sa Manila ay suspendido, na siyang naka-abala sa mga byahero, at ang mga gusali malapit sa epicenter ay gumuho.
Ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, patuloy pa rin lumilindol na may magnitude na 2 hanggang 3 sa rehiyon.
Ayon sa press secretary sa tanggapan ng Pangulo, si President Ferdinand Marcos Jr. ay lilipad patungo sa mga nasalanta ng lindol sa madaling panahon at ligtas nang bumyahe.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation