Ang tropical storm Aere ay patungong pa-hilaga sa southwestern main island ng Kyushu sa Japan matapos dumaan sa Okinawa. Ito ay inaasahang makalapit sa Kyushu, at maaaring mag-landfall sa Martes.
Ang mga weather officials ay nag-bigay babala sa malakas na pag-ulan sa western at eastern Japan.
Nag-sabi sila na ang bagyo ay umuusad patungong north-northwest sa East China Sea sa bilis na 15 kilometers kada-oras nitong ala-6:00 ng gabi ng Linggo.
Ito ay may atmospheric pressure ng 996 hectopascals sa sentro na may maximum winds ng 65 kilometers kada oras at maximum gusts ng 90 kilometers kada oras.
Malakas na pag-ulan na may 200 millimeters ang maaaring maranasan sa southern Kyushu sa loob ng 24 oras hanggang sa Lunes ng gabi. Mahigit 150 millimeters ang nai-forecast sa Amami Islands at Northern Kyushu, at may 100 millimeters naman sa lugar ng Shikoku sa loob ng 24 oras hanggang sa Lunes ng gabi.
Binalaan ng mga opisyal ang mga mamamayan sa mga matataas na alon, landslides at malakas na hangin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation