• Mga unang yugto ng dehydration
Habang tinitiis ng Japan ang naitalang temperatura, hinihimok ng mga eksperto ang mga tao na manatiling hydrated upang maiwasan ang heatstroke, at nagbabala sila na hindi agad mapapansin ang mga unang palatandaan ng dehydration.
Ang eksperto sa heatstroke na si Hattori Masuji, isang panauhing propesor sa Hyogo College of Medicine, ay nagpapaliwanag na ang adult body ay karaniwang binubuo ng 60 porsyentong tubig. Para sa mga taong may edad na 65 o mas matanda pa, ang bilang na iyon ay mas mababa sa 50-55 porsyento.
Nagbabala siya na kahit na bumababa ang dami ng tubig, ang katawan ay hindi nagpapakita ng malinaw na mga sintomas ng dehydration. Minsan hindi napapansin ng mga tao ang mga senyales hanggang sa umatake na ang heatstroke.
• Ang mga matatandang tao ay nangangailangan ng karagdagang atensyon
Sinabi niya na ang mga matatanda ay kailangang mag-bigay ng extrang pansin sa hydration dahil sila ay may mas mababang porsyento ng tubig at hindi agad nakakaramdam ng pagkauhaw.
• Mga karagdagang panganib na dulot ng pandemya
Sinabi ni Hattori na maraming tao ang hindi gaanong nag-eehersisyo sa gitna ng pandemya, at maaaring humina ang mga kalamnan na malaki ang papel sa pagpapanatili ng likido sa katawan. Sinabi rin niya na ang pagsusuot ng mask ay nag-dudulot ng hindi pagka-uhaw ng tao.
• Pag-kurut ng balat sa likod ng iyong kamay
Upang matukoy ang dehydration, pinapayuhan ni Hattori ang mga tao na kurutin ang balat sa likod ng isang kamay at pagkatapos ay bitawan. Ang balat ay dapat na mabilis na bumalik sa normal. Kung magtatagal ito bago ulit bumalik, maaaring mababa ang likido sa katawan.
• Tubig, pagkain at ehersisyo
Inirerekomenda ni Hattori ang mga sumusunod sa panahon ng tag-init:
Uminom ng isang basong tubig bawat oras, kahit na hindi ka nauuhaw
Kumain ng tatlong beses sa isang araw, dahil ang pagkain ay pinagmumulan din ng mga likido.
Mag-ehersisyo nang regular upang mapanatili ang muscle mass, sa mas malamig na oras ng araw o sa isang naka-air condition na kapaligiran
“Mangyaring panatilihin ang madalas na pag-inom ng tubig at ingatan na makaranas na unang bahagi ng dehydration. Maaari itong humantong sa heatstroke,” sabi ni Hattori.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation