Nagpasya ang ministeryo ng kalusugan ng Japan na suportahan ang domestic development ng mga bakuna para sa walong uri ng mga nakakahawang sakit, upang maiwasan ang kakulangan tulad ng naranasan noong pandemya ng coronavirus.
Sa isang pagkaka-taon ang Japan ay nagkaroon ng kakulangan sa bakuna para sa coronavirus, dahil ang mga domestic pharmaceutical company ay hindi kasing matagumpay tulad ng mga nasa ibang bansa sa pagbuo ng mga ito.
Noong Miyerkules, ang ministeryo ay nakipag-usap sa isang panel ng mga eksperto hinggil sa plano ng gobyerno na suportahan ang domestic development ng mga bakuna para sa mga sakit na lubhang naka-aapekto sa mga tao ngunit kulang sa mga epektibong bakuna.
Bilang karagdagan sa H1N1 flu at coronavirus, umaasa ang ministeryo na makapaghanda ng mga bakuna para sa monkeypox, na kadalasang kumakalat sa Europe at North America, Zika fever, na sinasabing nag-trigger ng microcephaly, at apat na iba pang nakakahawang sakit. Inaprubahan ng panel ang plano.
Ang ministeryo ay mag-iimbita ng mga kumpanya ng parmasyutiko at mga institusyong pananaliksik upang maisa-gawa ang mga proyekto.
Ang mga proyekto ay popondohan ng Strategic Center of Biomedical Advanced Vaccine Research and Development for Preparedness and Response, na itinakda ng gobyerno noong Marso ngayong taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation