8 katao ang nag-tamo ng pinsala matapos atakihin ng wild monkeys sa Yamaguchi Prefecture nitong weekend

Ang nasabing lugar ay nakapag-tala na ng ilang report ng pag-aatake ng mga unggoy, halos 38 katao ang nag-tamo ng pinsala mula pa nuong unang yugto ng buwan ng Hulyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp8 katao ang nag-tamo ng pinsala matapos atakihin ng wild monkeys sa Yamaguchi Prefecture nitong weekend

Inatake ng mga wild monkeys ang ilang residente sa lungsod ng Yamaguchi, western Japan, na nag-sanhi ng pinsala sa 8 katao nitong weekend.

Ayon sa pulis, kinagat ng unggoy ang binti ng isang dalagita nuong umaga ng Linggo. Umalis din naman ang unggoy sa silid ngunit ito ay bumalik din at naka-pasok sa pamamagitan ng pag-sira sa screen window. Kinagat rin umano ng unggoy ang binti ng kanyang ina.

Kalaunan nuong umaga rin nayun, isang unggoy ang naka-pasok sa isang silid sa ika-apat na palapag ng isang apartment building sa parehong lugar, at kinagat ang kamay ng isang ginang.

Sa parehong oras, may isang babae naman ang inatake rin ng isang unggoy mula sa kanyang likuran habang siya ay nasa labas nang oras na iyun. Ang kanyang kaliwang binti ay nakagat. Ang unggoy ay agad na tumakas nang iwasiwas ng ginang ang kanyang payong dito.

Sa parehong lugar, dalawang babae at dalawang lalaki rin ang inatake ng unggoy sa pagitan ng mga araw ng Sabado at Linggo

Ang nasabing lugar ay nakapag-tala na ng ilang report ng pag-aatake ng mga unggoy, halos 38 katao ang nag-tamo ng pinsala mula pa nuong unang yugto ng buwan ng Hulyo.

Nag-simula nang hanapin ng mga opisyal ng Lungsod ng Yamaguchi ang unggoy at sila ay may dalang tranquilizer gun nuong Linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund