Tatlong katao ang namatay dahil sa pamamaril sa isang university campus sa Capital Region ng Pilipinas.
Isang lalaki ang nag-paputok ng baril bago mag-simula ang graduation ceremony ng Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong hapon ng Linggo.
Ipinahayag ng mga imbestigador na kasama sa mga nasawi ay ang dating Punong Bayan ng isang lungsod sa south at isang security officer.
Idinagdag din nila na ang gunman ay nakipag-barilan pa sa mga campus security officer at tinangka pang tumakas gamit ang isang sasakyan bago pa ma-detain ng mga pulis.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naka-takdang mag-bigay ng kangayng unang talampati sa State of the Nation Address ngayong araw ng Lunes sa House of Representative`s building, na may layo lamang ng 7 kilometro mula sa campus.
Ang insidente ay nangyari kahit na mahigpit ang i-tinalagang seguridad sa Capital Region, kabilang ang pag-babawal sa pag-dala ng mga armas at nag-lagay din ng checkpoints.
Ipinag-bawal rin ng Pangulo ang mga rally at nag-poprotesta malapit sa gusali ng lower hous habang siya ay nag bibigay ng talumpati, kahit na ang mga ganung demonstrasyon ay tradisyonal na pinapayagan. Nag-talaga rin ang Pangulo nang mahigit 22,000 police personnel palibot sa venue.
Nagpa-kita ng pagka-bigla at kalungkutan ang Pangulo ukol sa karumaldumal na pamamaril sa kanyang Twitter account.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation