27 anyos na ginang, sinintensiyahan sa kasong pag-patay sa kanyang 3 anak na babae

Ang mga labi ng tatlong bata na sina, Himari, 5, Nanoka, 3, at Sakura, 9 na buwang gulang ay natagpuan sa ikalawang palapag ng tahanan. Ang tatlo ay sinakal sa leeg gamit ang isang electric appliance cord.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NAGOYA– nuong Martes, sinintesiyahan ng Nagoya prosecutor ang 27 anyos na ginang sa kasong pag-patay sa kanyang tatlong anak na babae na nag-eedad na 5, 3, at 9 na buwang gulang nuong Pebrero.

Ayon sa mga taga-usig, si Himeka Toya ay pinatawan ng parusa matapos ang tatlong buwan ng psychiatric examinations ay mapatunayan na siya ay mentally responsible sa kanyang mga aksyong ginawa, mula sa ulat ng Kyodo News. Si Toya ay inaresto nuong February 11 matapos matagpuan ng kanyang 34 anyos na asawa na wala ng buhay ang kanilang tatlong anak.

Ang mga labi ng tatlong bata na sina, Himari, 5, Nanoka, 3, at Sakura, 9 na buwang gulang ay natagpuan sa ikalawang palapag ng tahanan. Ang tatlo ay sinakal sa leeg gamit ang isang electric appliance cord.

Tinangka rin ni Toya na kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-laslas ng pulso sa kamay at saksakin ang sariling leeg gamit ang kutsilyo.

Sinabi ng asawa ni Toya sa mga pulis na parang wala na sa wastong pag-iisip ang kanyang asawa bago pa mangyari ang pamamaslang nito sa kanilang mga anak.

Source: Japan Today

Image: Gallery

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund