2 magkapatid na babae, sinaksak sa loob ng taxi sa labas ng kanilang bahay

Mahigit isang taon nang kilala ni Kanetsugu ang magkapatid, ang isa ay nasa late 20s at ang isa naman ay nasa kanyang early 30s, nagkaroon sila ng hindi pagkaka-intindihan ngunit hindi na ito idinitalye pa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 magkapatid na babae, sinaksak sa loob ng taxi sa labas ng kanilang bahay

Inaresto ng Ginowan police ng Okinawa Prefecture ang isang 29 anyos na lalaki sa suspetsang kaso ng pag-tangkang pag-patay matapos umano nitong pag-sasaksakin ang dalawnag magkapatid na babae sa isang taxi nitong umaga ng Linggo.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap bandang ala-1:40 ng umaga, ayon sa panayam ng mga lokal na media sa mga awtoridad, ang suspek na si Katsuya Kanetsugu, ay sinundan ang taxi gamit ang kanyang sasakyan at nang huminto ito sa harap ng tahanan ng mga babae, ay binangga niya ito. Pagka-tapos ay sinaksak nito ang dalawang babae na nuo’y papalabas na ng taxi, matapos ay agad na sumakay ang suspek sa kanyang sasakyan at tumakas.

Ayon sa mga pulis, si Kanetsugu, isang empleyado ng kumpanya ay naaresto bandang alas-8:00 ng umaga.

Ang dalawang babae ay nag-tamo ng saksak sa kanilang tiyan at agad na dinala sa ospital kung saan sinabi ng doktor na nasa mabuti na ang kanilang kalagayan.

Ani pa ng mga pulis na mahigit isang taon nang kilala ni Kanetsugu ang magkapatid, ang isa ay nasa late 20s at ang isa naman ay nasa kanyang early 30s, nagkaroon sila ng hindi pagkaka-intindihan ngunit hindi na ito idinitalye pa.

Source: Japan Today

Image: News on Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund