Na-diskubre ng mga explorer ang US Navy vessel na napalubog ng Imperial Japan sa pinaka malaking naval battle ng World War II, sa karagatan ng Pilipinas.
Ang destroyer escort USS Samuel B. Roberts na kilala rin bilang “Sammy B,” ay natagpuan nuong nakaraang linggo sa lalim na aabot nang 7,000 metro, isa s pinaka-malalim na shipwreck na natagpuan.
Sa nakaraang tala ang USS Johnston, na nadiskubre nuong nakaraang taon sa lalim na 6,400 metro sa ilalim ng karagatan ng Pilipinas. Isang underwater explorer crew kasama ang kanya team mula sa undersea technology company ang naka-diskubre sa Sammy B.
Ang nasabing barko ay kasali sa Battle of Leyte Gulf nuong Oktubre 1944, nang ang imperial Japanese Navy ay nag-dusa sa pinaka malaking kawalan ng mga barko sa Allied Forces.
Ayon sa record ang Sammy B ay nasira ang Japanese heavy cruiser sa pamamagitan ng torpedo at nasira pa ang ibang barko ngunit naubusan ng ammunition. Isang Japanese warship ang tumira rito na siyang nagpa-lubog sa barko.
Ginamit ng mga explorer ang pang-malalim na side-scan na in-install para sa kanilang pag-hahanap. Ipinahayag nila na ang pag-diskubre sa Sammy B ay nag-bibigay ng mas accurate na detalye sa makasaysayang digmaan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation