Share
Nag-ulat ang Tokyo Metropolitan Government ng 1,546 na bagong kaso ng coronavirus sa kapitolyo nitong Linggo.
Ang arawang tally ay bumaba ng 38 mula nuong nakaraang linggo at nag-marka ng ika-30 araw na dire-diretsong araw na pag-baba ng bilang.
Ayon sa mga opisyal, ang bilang ng mga malubhang pasyente na naka-ventilator o ECMO heart-lung machine ay nananatiling nasa 4, at hindi nag-babago mula pa nuong Sabado.
Wala rin nai-ulat na namatay sanhi ng impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation