Taiwan iiklian na rin ang quarantine period para sa dayuhang bisita nang hanggang 3 araw na lamang

Idinagdag pa nito na kinukunsidera nilang mas-paluwagin pa ang anti-virus measures sa sususnod, depende sa sitwasyon ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTaiwan iiklian na rin ang quarantine period para sa dayuhang bisita nang hanggang 3 araw na lamang

Ipinahayag ng Taiwan na pa-iikliin na nito ang kanilang coronavirus-related quarantine para sa lahat ng paparating na bisitang turista mula sa kasalukuyang pito hanggang tatlong araw, simula sa darating na araw ng Miyerkukes.

Ipinahayag ng mga awtoridad ng Taiwan ang anunsiyo nuong Sabado, at nag-sabi na ang layunin nito ay para i-promote ang ekonomiya at social activities kabilang na rin ang mga kinakailangang international exchanges.

Mula pa nuong ika-17 ng Mayo, ang mga taong nakasalamuha ng may impeksyon sa loob ng bansa (Taiwan) ay na-exempt na mula sa isolation, sa kondisyon na sila ay magpapa-bakuna ng 3 beses.

Ang pag-luluwag ng quarantine rules ng Taiwan ay alin-sunod sa pag-dami ng mga bansa na nag-luluwag na rin sa mga turista, tulad ng Europe at Asia.

Ayon sa Taiwan authorities, matapos lisanin ang quarantine station, ang isang bisita mula sa ibang bansa ay hindi pa rin basta bastang maka-lalabas hangga’t hindi talaga kailangan sa panahong nasa ika-apat hanggang ika-pitong araw mula ng sila ay dumating.

Subalit, papayagan silang makapag-trabaho sa panahong iyun sa kondisyon na sila ay nag-antigen test at ito ay negatibo dalawang araw bago nila nais pumasok sa trabaho.

Plano rin ng mga Taiwan authorities na i-set ang target cap para sa bilang ng mga darating kada-linggo sa bilang na 25,000— karagdagang 5,000 para sa lingguhang tallies ng bisita.

Idinagdag pa nito na kinukunsidera nilang mas-paluwagin pa ang anti-virus measures sa sususnod, depende sa sitwasyon ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund