Russia inatake ang mga civilian facilities, marami ang sugatan

Ayon kay US National Security Advisor Jake Sullivan nuong Lunes na inaayos na ng Biden administration ang isa pang weapon package para sa Ukraine. Kabilang dito ang long-range air-defense system na siyang hiniling mismo ni Zelenskyy.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspRussia inatake ang mga civilian facilities, marami ang sugatan

Mas pina-grabe ng Russia ang campaign of terror nila sa Ukraine. Nagpa-putok sila ng missiles sa mga residential buildings at mga kindergarten, na nag-sanhi ng maraming sibiyan na casualties.

Tinamaan rin ng mga Russian missiles ang isang mataong shopping mall sa central Ukraine. Ayon kay President Volodymyr Zelenskyy na mahigit 1,000 katao ang nasa loob ng nasabing gusali.

Ayon sa Ukrainian emergency authorities, mayroong 16 kataong namatay at 59 katao ang sugatan.

Ang mga pinuno ng Group of Seven ay kinondena ang pag-atake bilang “abominable.” Sa isang pinag-sanib na pahayag, sinabi nila na pag-atake sa mga inosenteng sibilyan ay isang war crime at pananagutin nila si Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa isang senior US defense official, ang Russia ay nagsa-gawa ng 60 strikes nuong weekend. Idinagdag pa ng opisyal na ito ay maaaring ginawa bilang tugon sa naganap na G7 Summit, o dahil sa pag-bibigay ng US na advance rocket system sa Ukraine.

Ayon kay US National Security Advisor Jake Sullivan nuong Lunes na inaayos na ng Biden administration ang isa pang weapon package para sa Ukraine. Kabilang dito ang long-range air-defense system na siyang hiniling mismo ni Zelenskyy.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund