Pumutok ang isang bulkan sa Pilipinas, malawak ang nasakop ng mga nabugahan ng abo nito

Pinapa-alalahanan rin ng mga opisyales ang mga tao na maging alerto sa pag-agos ng lahar mula sa bulkan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPumutok ang isang bulkan sa Pilipinas, malawak ang nasakop ng mga nabugahan ng abo nito

Isang bulkan sa Pilipinas ang pumutok nitong Linggo, kung saan nag-sanhi ng pag-ulan ng abo sa mga karatig lugar at mga kakahuyan. Wala namang nai-talang napinsala sa nasabing pangyayari.

Ayon sa Philippine Volcanology Institute, isang phreatic o stream-driven explotion ang nangyari sa Mount Bulusan sa Southern part ng Luzon Island.

Ayon sa mga opisyal, ang pag-sabog ng bulkan ay nag-tagal ng 17 minuto. Makikitang tumaas ang volcanic smoke ng mahigit isang kilometro, at nakaranas ng pag-ulan at abo ang mga kalapit na lugar.

Ipinapa-kita sa mga kuha ng video na ang mga sasakyan ay sumusulong kahit hindi maganda ang visibility. Winawalis ng mga taong naka-suot ng face mask ang mga nagkukumpulang mga abo.

Pinapa-alalahanan at binabalaan ng mga opisyal ang mga tao na huwag pumunta sa  lugar kung saan may layo ng 4 na kilometro mula sa bulkan, dahil maaari pa rin itong sumabog anumang oras.

Pinapa-alalahanan rin ng mga opisyales ang mga tao na maging alerto sa pag-agos ng lahar mula sa bulkan. Ang nasabing pangyayari ay sanhi ng matinding pag-ulan at iba pang mga triggers.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund