Nag-isyu ang pamahalaan ng Japan ng isang advisory para sa isang posibleng power shortage sa Tokyo at mga karatig-lugar nito.
Ang napaka-init na panahon ay inaasahang mag-patuloy hanggang Lunes sa Kanto region, kabilang ang Tokyo. Ang demand sa elektrisidad, tulad ng pag-gamit ng air conditioner ay inaasahang tumaas.
Nuong Lunes, nanawagan ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga kabahayan at mga negosyo na mag-bawas ng pag-gamit ng enerhiya kung kinakailangan, lalo na sa oras ng 3 hanggang 6 p.m.
Ngunit sinabihan rin nila na gumamit ng airconditioner ng tama ang mga tao upang maka-iwas sa heatstroke.
Sa ilalim ng bagong alert system na itinaguyod nuong Mayo, ang pamahalaan ay nag isyu ng isang advisory nuong ika-4 ng hapon. Ito ay dahil ang reserve power-supply capacity ay inaasahang bumaba ng 5 percent sa susunod na araw, kahit na may additional supply na inaalok ang ilang regional utilities.
Ini-estima ng pamahalanna ang reserve capacity ay babasak ng 5 porsyento sa Greater Tokyo area sa Lunes. Ang rate ay maaaring mas bumaba pa ng hanggang 4 percent bago mag-alas-5 ng hapon.
Humaharap ang Japan sa isang potensyal na power crunch sa sobrang init ng panahon sanhi ng pag-baba ng power supply capacities at utility companies.
Ang Tokyo Electric Power Comapany, na siyang nag-bibigay serbisyo sa Kanto region ay nag-sabi na ang supply capacity ng utility ay bumasak na ang mga operasyon sa iba nilang power plant sanhi ng pananatiling sarado ng power plant sa Prepektura ng Fukushima dahil sa damage na natamo nito nuong nagkaroon ng lindol na tumama sa nasabing lugar nuong Marso.
Ang bansa ay mayroon rin aging thermal power plants na pansamantalang isinara o permanente nang hindi pagaganahin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation