Pinanagot ni Kishida ang dating LDP member sa usaping pag-papainom nito sa isang menor de edad

Ang legal na pag-inom ng alak sa bansang Japan ay 20.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinanagot ni Kishida ang dating LDP member sa usaping pag-papainom nito sa isang menor de edad

Isang mambabatas ang kasalukuyang under pressure na mapa-baba sa kangyang pwesto matapos mai-report sa media na kumain ito sa labas kasama ang 18 anyos na babae, pinainom ng alak at binigyan umano ito ng pera. Ang legal na pag-inom ng alak sa bansang Japan ay 20.

Ang Lower House member na si Yoshikawa Takeru ay nag-resign mula sa main ruling Liberal Democratic Party nuong nakaraang linggo, at naga-sabi na siya ay nag-bigay ng isang problema.

Ayon sa panayam kay Prime Minister Kishida Fumio nuong Miyerkules, talagang naka-lulungkot kapag napa-tunayang totoo ang nai-ulat ukol sa ginawa ni Yoshikawa.

Sinabi pa nito na dapat hindi tumakas ang isang mambabatas sa pag-bibigay ng paliwanag sa publiko, anuman ang kanilang party affiliation.

Idinagdag rin ni Kishida na dapat din kunsiderahin ni Yoshikawa na mag-resign mula sa Diet kung hindi siya magiging reaponsable sa kanyang aksyon at pag-uugali.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund