Ang US pharmaceutical giant Pfizer ay nag-apply para sa approval ng pamahalaan ng Japan sa pag-aadminister ng coronavirus booster shot sa mga batang nag-eedad ng 5 hanggang 11.
Ang mga batang napapabilang sa edad ng nasabing grupo ay nakakatanggap na ng Pfizer vaccine mula pa nuong buwang ng Marso ngayong taon. Nitong Martes lamang, nasa 16.2 percent na sa kanila ang naka-tanggap ng ikalawang bakuna.
Nuong Miyerkules, ang Pfizer ay nag-apply sa Health Ministry ng Japan para sa permiso upang makapag-bigay bakuna sila sa mga kabataan.
Ayon sa Pfizer, ang mga batang nasa ibang bansa na nag-eedad mula 5 hanggang 11 anyos na naka-tanggap na ng kanilang ikatlong bakuna makalipas ang anim na buwan mula nuong natanggap nila ang kanilang ikalawang bakuna ay nagpapa-kita na mahigit anim na beses ang itinaas sa pag neutralize ng antibodies.
Idinagdag rin ng kumpanya na ang booster ay epektibo rin laban sa Omicron variant, at wala naman dapat ikabahala.
Nag-labas ng datos ang mga researchers ng Japanese government panel nitong buwan na nagpapa-kita na ang mga batang nabakunahan ng dalawang beses ay mas mayroong antibodies kaysa sa mga batang nagkaroon ng coronavirus, at hindi masyadong magkararanas ng side effect halintulad sa mga nakatatanda. Sinabi rin ng panel na ang pag-babakuna sa mga bata ay may kabuluhan.
Plano ng Health Ministry na maisa-gawa ang pag-pupulong kasama ang mga eksperto nitong darating na buwan, upang mapag-aralan ang kaligtasan at makita ang bisa ng Pfizer booster bago pa pag-usapan kung ito ay maaaprubahan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation