Pekeng deliveryman hinalay ang babae at ninakaw pa ang underwear

Inaresto ng pulisya sa Yatomi, Aichi Prefecture, ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa panghahalay sa isang 24-anyos na babae at pagnanakaw ng kanyang damit na panloob. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI

Inaresto ng pulisya sa Yatomi, Aichi Prefecture, ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa panghahalay sa isang 24-anyos na babae at pagnanakaw ng kanyang damit na panloob.

Ayon sa pulisya, si Yuta Asakura, isang bumbero, ay nakasuot ng uniporme ng isang delivery man nang siya ay nag door bell sa apartment ng babae bandang 2:10 p.m. noong Mayo 5, iniulat ng Tokai TV. Nang buksan ng babae ang pinto, pinilit niyang pumasok at binantaan siya at tinutukan ng isang cutter knife, sinabing papatayin siya kapag siya ay sumigaw, sabi ng pulis.

Sinabi ng pulisya na sinabi sa kanila ng babae na matapos siyang halayin ninakaw ni Asakura ang kanyang panty at pagkatapos ay umalis. Nakilala siya matapos ang pagsusuri sa footage ng surveillance camera sa labas ng apartment building.
© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund