Inanunsiyo na ng Japan Meteorological Agency ang simula ng tag-ulan sa Tokyo at sa mga karatig lugar nito kabilang ang ilang parte sa central Japan.
Isang weather front at low pressure ang nag-dulot ng pag-ulan sa baybayin ng Pacific coast mula western patungong eastern Japan nuong Lunes.
Idinagdag rin ng ahensya na ang taunang panahon ng tag-ulan ay mararanasan na sa Tokyo at ilang lugar na naka-palibot sa kapitolyo, dahil patuloy na magiging maulap at maulan sa mga susunod na pitong araw.
Kapag naging opisyal na ang pag-aanunsiyo, ito ang magiging kauna-unahan mula nang taong 2005 kung saan inanunsiyo ng ahensya ang panimula ng panahon ng tag-ulan sa nasabing lugar, na siyang nauna pa sa mga rehiyon sa western Japan tulad ng Kyushu at Shikoku.
Nag-predict din ang mga weather officials na mas makararanas nang marami pang pag-ulan hanggang Martes sa southwestern prefecture ng Okinawa at nang northeastern region ng Tohoku.
Nananawagan at nag-bigay babala ang mga opisyal na mag-ingat at maging alerto ang mga mamamayan sa mudslides, pag-babaha at malalakas na alon sa ilog.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation