Ang insidente ng pmamaril sa Pennsylvania at Tennessee ay nag sanhi ng pagka-matay ng limang katao at mahigit 20 kataong sugatan.
Pag-putok ng baril ang maririnig sa ma-abalang kalsada sa Philadelphia,Pennsylvania nuong hapon ng Sabado na nag-resulta sa pagka-matay ng 3 katao at 11 katao g sugatan.
Supetsa ng lokal na awtoridad na ilang katao ang nag-paputok ng baril, ngunit ang mga ito ay naka-takas at ang pagkaka-kilanlan ng mga ito ay hindi nalaman.
Dalawang katao naman ang nai-ulat na namatay at 14 katong sugatan sa isang nightclub sa Chattooga, Tennessee nuong umaga ng Linggo. Isang tao naman ang nabangga ng kotse at namatay habang tumatakbo palayo sa lugar ng insidente.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na maraming shooter ang sangkot sa insidente.
Dalawang insidente rin ng pamamaril ang naganap sa New York City at Texas nuong nakaraang buwan, na siyang kumitil sa buhay ng 10 katao at 21 katao sa bawat siyudad na nabanggit. Sangkot sa insidente sa Texas ay ang 19 elementary students. Ang dalawang suspek sa pamamaril ay parehong nag-eedad ng 18 anyos.
Nais pigilan ni President Biden ang gun violence sa pamamagitan ng pag-ban sa mga ilang semi-automatic rifles at high-capacity magazines. Nag-hain na ang mga demokratiko ng bill para sa nasabing pag-sasabatas nito, ngunit ang nasabing hakbang ay walang kalinawan para sa clearing congress, sa gitna ng Republican opposition.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation