Pamahalaan ng Japan planong bumuo ng Infectious Disease Management Agency

Ang draft ay nananawagan rin para sa isang pag-aaral sa pag-bibigay ng kapangyarihan sa mga gobernador ng bawat prepektura na mag-bigay instruksyon at kautusan sa mga ospital sa pag-secure ng mga higaan kung sakaling kumalat ang isang nakahahawang sakit.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPamahalaan ng Japan planong bumuo ng  Infectious Disease Management Agency

Napag-alaman ng NHK na ang pamahalaan ng Japan ay may planong mag-se up ng isang infectious disease management agency sa ilalim ng pamumuno ng Cabinet Secretariat.

Inaasahan ng pamahalaan na mag-compile ng matitinding hakbang laban sa nakahahawang sakit sa pamamagitan ng pag-tanggap ng mga proposal ngayong Miyerkules mula sa mga expert panel na pinag-aaralan ang anti-coronavirus measures.

Ayon sa draft plan ng pamahalaan, ang bagong ahensiya ay magiging isang kinakatawan na magiging responsable sa mga hakbang upang talakayin ang mga nakahahawang sakit.

Sa kasalukuyan, ang Cabinet Secretariat, Health Ministry at iba pang opisyales ay may kanya-kanyang tungkulin.

Ang nasabing draft ay nananawagan para sa pagsasama-sama ng National Institute  of Infectious Diseases, na siyang nagsasa-gawa ng mga basic research, at nang National Center for Globl Health and Medicine, kung saan nag-bibigay ng mga clinical medicine.

Ang bagong institute ay magiging Japanese version ng US Center for Disease Control and Prevention.

Plano rin ng pamahalaan na gumawa ng hakbang bilang tugon sa kapasidad ng Ministro ng Kalusugan. Ang taskforce ay makikipag-tulungan sa bagong institute at munisipalidad.

Ang draft ay nananawagan rin para sa isang pag-aaral sa pag-bibigay ng kapangyarihan sa mga gobernador ng bawat prepektura na mag-bigay instruksyon at kautusan sa mga ospital sa pag-secure ng mga higaan kung sakaling kumalat ang isang nakahahawang sakit.

Opisyal nang pag-dedesisyonan ng pamahalaan ang nasabing draft ngayong linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund