Ang bagong survey na isina-gawa ay nag-pahayag ng malawak resulta kung saan ang pag-taas ang mga presyo ng bilihin ay malaki ang naging epekto sa mga sambahayan na may mababang kita sa Japan. Halos kalahati ng poll ay nag-sabi na sila ay napilitang bawasan ang bilang ng pag-kain ng kanilang mga anak.
Ang Tokyo based no-profit organization na Kidsdoor ay nag-poll nang malapit sa 1,400 low-income households na may mga kabataang na nag-eedad hanggang high school. Ang survey ay nag-tagal hanggang Martes.
85 porsyente ang nag-sabi na ang pag-taas ng mga presyo ay “mas nag-papahirap” sa kanilang pamumuhay.
Halos 64 porsyento naman ang nag-sabi na hindi na nila kayang bigyan ang kanilang mga anak nang nutritionally balanced meals. 60 porsyento naman ang nag-sabi na kinakailangan na nilang bawasan ang ibinibigay nilang pagkain sa kanilang anak. At 37 porsyento naman ang nag-sabi na hindi na sila bumibili ng mga karne o isda.
“Ang mga tao ay nahihirapan na dahil sa pandemiya, tapos ngayon ay tumataas naman ang mga presyo ng bilihin na mas nagpapa-hirap sa kanilang pamumuhay araw-araw,” ani ni Watanabe Yumiko, Board Chair ng Kidsdoor. “Kailangan nating matulungan ang mga tao. Ito ay naka-babahala na.”
Ipinahayag ng Kidsdoor na plano nilang alukin ng tulong sa pagkain ang mga nahihirapang mga pamilya at kanilang mga anak ngayong buwan ng Hulyo. Sila ay magsasa-gawa ng isang launch-founding campaign upang maka-kuha ng donasyon sa susunod na Lunes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation