SAPPORO– ang mga wild Hokkaido squirrels ay nag-lalagas ng kanilang winter coat sa kagubatan ng Mount Maruyama sa kapitolyo ng northernmost prefecture ng Japan, Hokkaido. Sanhi ng pag-palit ng klima.
Ang Hokkaido squirrels ay matatagpuan lamang sa nasabing prepektura. Sila ay may laki na 20 sentimetro hindi kasali ang buntot. Sila ay hindi nagha-hibernate kapag tag-lamig, kundi sila ay tinutubuan ng makapal na balahibo upang maprotektahan sa malamig na panahon at kinakain ang mga pagkaing ibinaon nila sa lupa nuong panahon ng tag-lagas.
Sa panahong ito, ang kagubatan sa Chuo Ward ng Sapporo ay napupuno ng luntiang mga halaman, makikita ang mga squirrels na pinupuno ang kanilang bibig ng mga pagkain na nakakalat sa kagubatan at mapapansin ang kanilang manipis nang balahibo.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation