Nananawagan si Kishida sa G7 upang talakayin ang pag-taas ng presyo ng bilihin

Sa talampati ni Kishida na ang kasalukuyang surge sa mga preyo ay hindi simpleng economic issue, ngunit isang challenge na humaharap sa framework ng world peace at order.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNananawagan si Kishida sa G7 upang talakayin ang pag-taas ng presyo ng bilihin

Sinabi ng Japanese Prime Minister na si Kishida Fumio sa Grupo ng Pitong Nasyon na dapat pag-tibayin ng kanilang pagkakaisa upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga tao na naaapektuhan sa pag-taas ng presyo sa gitna ng pag-sakop ng Russia sa Ukraine.

Ang Punong Ministro ay nag-talampati sa unang sesyon ng G7 summit na nag-simula nuong Linggo, sa Elmau sa Southern Germany. Ang mga pinuno ay nag-usap ukol sa global economy.

Ayon kay Kishida ang global economy ay humaharap sa maraming pag-hihirap dahil sa Russian aggression laban sa Ukraine. Idinagdag pa niya na ang presyo ng enerhiya, pagkain at iba pang mga commodities ay patuloy na tumataas at ang supply chain ay na-disrupt.

Sinabi rin niya na kinakailangan na pagtuunan ng pansin ang mabilis na market fluctuations, kabilang ang foreign exchange rates.

Ipinahayag rin ng Punong Ministro ang pangangailangan ng G7 na pabilisin ang pinag-sanib na pwersa upang makapag-bigay ng pagkain sa mga developing countries.

Sa talampati ni Kishida na ang kasalukuyang surge sa mga preyo ay hindi simpleng economic issue, ngunit isang challenge na humaharap sa framework ng world peace at order.

Sinabi niya rin na ang sanction sa Russia ay hindi matitigil hanggat hindi nareresolba ang fundamental issues ng aggression ng bansa.

Sa session, nag-propose din si Kishida ukol sa economic security.

Kinumpirma ng mga lider ng G7 na ang kani-kanilang bansa at mga ka-partner na bansa ay makikipag-tulungan upang harapin ang economic coercion, sinasa-alang alang ang bansang China.

Nagka-sundo rin sila na pag-tuunan ang diskusyon, na siyang nag-tulak sa susunod na schedule ng G7 summit sa susunod na taon sa Hiroshima.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund