Ang domestic shipments ng mga home appliances sa Japan ay nag-tala ng taon-taon na pag-baba sa ikalawang buong buwan ng Mayo. Ang dahilan ng pag-baba ay sanhi ng pagka-antala sa supply sanhi ng coronavirus lockdowns sa Shanghai.
Ang Japan’s Electrical Manufacturers’ Association ay nag-pahayag na bumagsak ang shipment ng 11.1 porsyento nuong nakaraang buwan sa 189 billion yen o mahigit 1.4 billion dollars.
Ang pag-baba ay sumasalamin sa katotohanan na nag pangangailangan ng household appliances ay mas matindi nuong nakaraang taon nang ang mga tao ay nananatili sa kanilang tahanan dahil sa pandemiya.
Ang unit shipments ng mga washing machines ay bumaba ng 34.5 percent kumpara nuong nakaraang taon at ang mga air conditioners ay nasa 21 percent naman.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation