Matinding init ng panahon sa buong Japan, magpapa-tuloy

Ang mga tao ay hinihikayat na gumawa ng hakbang upang maka-iwas laban sa heatstroke. Ito ay sa pamamagitan ng palaging pag-inom ng tubig, at pag-gamit ng aircon ng tama at pag-alis ng face mask sa labas kung madedeterma na mayroong social distancing.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMatinding init ng panahon sa buong Japan, magpapa-tuloy

Nakapapasong init ang bumalot sa maraming lugar sa Japan nitong Linggo, umabot sa 35 degrees Celcius sa Tokyo at iba pang lugar sa Kanto region.

Ayon sa Meteorological Agency ang mataas na pressure system sa South ng Japan ay nag-dala ng napaka-init na panahon sa karamihan ng lugar sa bansa. Ang temperatura sa bansa ay tumataas simula pa lamang sa umaga.

Nag-tala ng 36.2 degrees ang Central Tokyo, nitong buwan ng Hunyo. Ito rin ang unang pagkaka-taon na nakaranas ng ganito kainit sa umaga ang Tokyo na halos umabot sa 35 degrees sa loob ng dalawang magka-sunod na araw sa buwan ng June.

Halos tatlongpung lokasyon sa loob ng bansa, at karamihan rito ay sa Kanto region ang nag-tala ng daytime temperature na lumagpas ng 35 degrees.

Tumas ang mercury sa 36.8 degrees sa lungsod ng Sano, Tochigi Prefecture at Isesaki, Gunma Prefecture. Samantalang sa Nerima Ward sa Tokyo at lungsod ng Kumagaya sa Saitama Prefecture ay parehong nag-tala ng 36.4 degrees. Ang lungsod ng Mito, Ibaraki Prefecture ay nag-tala naman ng 36 degrees.

Ang sobrang init ay inaasahang magpa-tuloy sa Kanto region at iba pang lugar simula sa Lunes. Ang pinaka-mataas na forecast ay aabot ng 38 degress sa Kumagaya, pati na rin s Maebashi City, Gunma Prefecture. Ang temperatura ay inaasahang umabot sa 35 degrees sa Central Tokyo, lungsod ng Toyama, at lungsod n Soma sa Fukushima Prefecture.

Ang mga tao ay hinihikayat na gumawa ng hakbang upang maka-iwas laban sa heatstroke. Ito ay sa pamamagitan ng palaging pag-inom ng tubig, at pag-gamit ng aircon ng tama at pag-alis ng face mask sa labas kung madedeterma na mayroong social distancing.

 

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund